Sabado, Hunyo 15, 2013

Kasaysayan ng Wikang Filipino



                                                                                                                                                                        
           Ang wikang  Filipino ang pambansang  wika ng Pilipinas at isa sa mga opisyal na wika ng                                  Pilipinas ang Ingles . Ang layunin ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa ang pagpapalaganap ng pag -                                 kakaisang pambansa,ang pagkakaroon ng heograpiko at pulitikal na pagkakapatiran,at maging ang pagka -                                                                         karoon ng isang sumasagisag na pambansang wika ng isang bansa.Si Pangulong Manuel  L . Quezon   ang                               nagpasimula ng wikang pambansa.Sinimulan niyang sumuri ng wika noong   Nobyembre 13,1936.  Noong                               Disyembre 30, 1937 sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg 134 ng Pangulong  Quezon ,ang                               Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog .
                                  Si Pangulong  Manuel L . Quezon ang nagpasimula ng wikang pambansa kaya siya ang hinirang na Ama ng Wikang Pambansa . Maraming taon ang ginugol ni Pangulong  Manuel L . Quezon upang  suriin ang wika na gagamitin ng ating bansa kaya nararapat na ipagmalaki ang ating  sariling wika upang hindi masayang ang ginawa ni Pangulong Manuel L . Quezon . Kaya  tuwing Linggo  ng  Wikang  Pambansa    ay  ating itong ipinagdiriwang upang maalala ang ginawa ng ating  Pangulong Manuel L . Quezon . Nagpalabas  ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa    mula sa Marso 29 hanggang Abril 4. Subalit ang petsa ng pagdiriwang  ay inilipat sa Agosto 13 hanggang  19  tuwing taon .

                                   Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay mas pinayabong  dahil nagpalabas si
Kagawaran ng    Edukasyon Kalihim Jose Romero noong Agosto 12, 1959 ng Kautusang Blg 7 na nagsasaad na  Pilipino  ang  opisyal na tawag sa wikang pambansa .Marami rin ang nilagdaan na mga Kautusan tulad ng paglagda ni  Pangulong Ferdinand Marcos sa Kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pa mahalaan ay pangalanan sa Pilipino . Mahalaga ang ating  wikang ginagamit dahil ito ang dahilan kung bakit  tayo nagkakaintindihan . Kaya nararapat na ipagmalaki at mas lalo pa nating palawakin  ang  ating   Wikang Pambansa .



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento